Miyerkules, Hulyo 11, 2012

Pagtuklas at Pagpapaunlad ng mga Hilig, Aptityud, at Potensyal

(I decided not to follow the flow as was given in the module. I left out Paunang Pagtataya and proceeded right away to Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa. I assigned my students to look for pictures that will show his/her interest (hilig). He/she then will crop the face enabling them to change the face to theirs creating an effect that it was really their picture. This picture will then be used in the activity given in p.76 of the module. Here are some examples I did using the apllication in my phone. (Try not to laugh)









 Pagtuklas ng Dating Kaalaman: 

Pangarap na Naging Negosyo             By Candice Lim
Kakaunting tao lamang ang magkakaroon ng sapat na tapang paras iwanan ang isang kumportable trabaho at pasukin ang isang laarangan na ni wala silang karanasan. Ngunit hinarap ni Tippi Ocampo ang hamon, nagbago ng karera mula sa pagiging Advertising Creative Director tungo sa pagiging Fashion designer, at nagkaroon ng matagumpay at masayang kuwento.

Pangarap na ngayon ay isa ng Negosyo
Ang tangi niyang minimithi ay maging isang fasion designer, ngunit ngayon, sa kalagitnaan ng kanyang karare, naisip niyang wala ngpagkakataonna makamit pa ito. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, dumating ang balita na bubuhay mulisa kanyang mga pangarap. Mula sa isang kaibigan, si Patrice. Ramos-Diaz, ang balitang merong lokal na kompetisyon na magbibigay ng pagkakataon sa mananalo para makasali sa isang malaking patimpalak sa fashion designing. sa Paris, ang 1999 Concours International de Jeunes Createurs de Mode. At dahil alam ni Patrice ang kakayahan ni Tippi, iminungkahi niyang subukan niya ito.
Para sa kanyang paghahanda para sa patimpalak, sinanay siya ng Fashion Design Council of the Philippines (FDCP) sa gabay ng mga kilala sa industriya tulad nina Inno Sotto, Pepito Albert, Lulu Tan Gan, at Jojjie Lloren Ginamit ni Tippi ang sarili niyang pera na nagkakahalaga ng 8,000 pesos para sa mga materyales at nakagawa ng isang napagandang desinyo para sa isang gown.
Napili siya bilang isa sa limang kinatawan ng Pilipinas sa kompetisyon sa Paris. Hindi man nanalo, ang karanasang ihanay ang kanyang obra sa mga gawa ng kalahok mula sa iba’t-ibang bansa ay nagpabago ng kanyang buhay. Sobrang nahumaling sa matagal ng pinapangarap na nagdesisyon siyang hindi na balikan ang dating trabaho. Sabi nga nya, “The experience made fashion designing my passion in life.”  
Naaalala pa niya ang oras na iyon, “I was at a crossroads. I had to choose between going back to something I was used to, was good at, and was well paid for, and trying my hand at something really new and exciting. I chose the latter because I figured that I would be regretting it more if I never even gave it a chance.”
            Dahil prestihiyoso ang patimpalak sa Paris, nagbigay daan ito upang makakuha ng atensiyon na nagbigay daan para palaguin ang kanyang karera sa fasion designing. Hindi lamang siya naimbitahan na sumali sa mga nangungunang organisasyon tulad ng FDCP at ang Young Designers Guild (YDG), naimbitahan  din siyang sumali sa mga palabas na nagbigay sa kanya ng pagkakataong malathala. Nailathala na ang kanyang mga gawa sa mga nangungunang magasin sa bansa tulad ng Preview at Cosmopolitan tang kanyang mga likha.
“Falling upward is the only way I can describe the succession of events after the Paris competition, and I say this because they weren’t part of any business plan at all,” she recalls. “It was a very humbling experience to be at the receiving end of all the opportunities and the many chances to learn that came my way.” (Kinuha mula sa http://www.entrepreneur.com.ph/ideas-and-opportunities/article/midcareer-shift)

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang kinagigiliwang gawain ni Leslie
2. Ilarawan ang natatanging kakayahan ni Tippi Ocampo?
3. Paano nakatulong sa kanya at sa ibang to ang taglay niyang hilig?



Hilig, Aptityud, at Potensyal: Tuklasin

            Ang mga hilig ay preperensya sa mga particular na uri ng mga gawain. Ang mga ito ay gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. Nagsisikap ka kung may motibasyon ka dahil gusto mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito,at nagagabayan ka ngmga pagpapahalaga na makakatulong sa iyong pag-unlad. (Santamaria, 2006)
Sa kabilang dako, kung ang trabaho mo ay hindi ayon sa iyong mga hilig, ikaw ay nababagot. Iiwasan mo ang gawaing hindi mo gustong gawin o ipinagpapaliban mo ang mga ito. Halimbawa, kahit gusto mong gumamit ng mga kagamitang pinapatakbo ng kuryente (tulad ng coffeemaker o juicer), nguniy ayaw mong subukang gamitin ito, patunay na hindi mo hilig ang pagbubutinting ng mga bagay.

Ang mga hilig ay maaaring:
a. natutuhan mula sa mga karanasan. Halimbawa, dahil sa palagiang patulong sa negosyo ng pamilya na pagtitinda ng mga lutong pagkain, nakahiligan mo na rin ang pagluluto. Ibinatay mo rito ang iyong kinuhang kurso sa kolehiyo atminahal mo ang iyong trabaho bilang chef sa isang kilalang hotel.

b. minamana- Halimbawa, nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ngiyong ina sa pag-aalaga ng mga halaman. Habang ikaw ay lumalaki, napapansin mong nagkakaroon ka rin ng interest sa pag-aalaga ng mga halaman kung kaya katuwang ka ng iyong ina sa kaniyang mga ginagawa sa inyong hardin.

c. galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan. Halimbawa, labis ang iyong pagiging maawain sa iyong kapwa, laging bukas ang iyong puso sa pagtulong sa iyong kapwa na nagngangailangan Labis ang kasiyahan sa iyong nararamdaman kapag may nagawa kang kabutihan sa iyong kapwa. Nakahiligan mo na ang magbigay ng serbisyo para sa ibang tao o kapwa
Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang hilig sa pagpili ng mga gawain. Ang taong nasisiyahang gawin ang isang gawain ay  nagsisikap na matapos ito at may pagmamalaki sa gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kaniyang paggalang sasarili, gayundin nagpapaunlad ng kanyang tiwala sa sarili.
Mga Larangan ng Hilig

1. Outdoor- Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor)




2. Mekanikal- Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan





3. Computational- Nasisiyahan na gumawagamit ang bilang o numero

4. Scientific- nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo ay pag-imbento ng mga bagay o         produkto.


5. Persuasive- Nakakahikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkapwa.


6. Artistic- nagiging malikhain at nasisiyahan sapagdidisenyo ng mga bagay.


            7. literary- Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat.







            8. Musical- Nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtogng instrumentong musical

            9.Social Service- Nasisiyahang tumulong sa ibang tao
             10.Clerical- Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina.







1 komento: