Martes, Hulyo 24, 2012

Modyul 4: Mga Layunin at tungkulin ng isang Nagdadalaga at Nagbibinata

Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan. Ano ang Maipapamalas mo?

Mga Tungkulin Bilang Nagdadalaga o Nagbibinata

Ang bawat tao ay ipinanganak sa mundo upang gampanan ang kanyang misyon sa buhay. Ang misyong ito ay makakamit sa pamamagitan ng iba't-ibang tungkulin. Wika nga ng marami, tayo ay nasa mundo upang gumanap ng ating misyon. Hindi lamang natin kailangang isagawa o isakatuparan ang mga ito, mahalaga rin na maglaan ng panahon upang unti-unting tuklasin ang mga ito. Patunay laman ito na namumuhay tayo sa mundo hinda para sa ating sarili lamang, kailangan natin gmaglingkod sa ating kapwa. At sa ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa, mahalaga ang matapat na pagtupad sa ating mga tungkulin.

Ang mga sumusunod ay ang iba't-ibang tungkulin ng isang nagdadalaga o nagbibinata.

1. Ang Tungkulin sa Sarili. 
Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. mahirap isalin sa ibang tao ang responsibilidad kung hindi ito nagsimulang ilapat sa sarili. Bilnag isang tinedyer, may mga bagay na dapat bigyang-pansin upang masabi mong tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa sarili.

1.a Pagharap at wastong pamamahala ng mga pagbababgo sa iyong pagdadalaga o pagbibinata.

Sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata, nahaharap ang isang tinedyer sa iba't-ibang mga pagbabago. Sa kabila ng lahat ng ito dapat matutunan na mapanatiling mataas ang tiwala sa sarili. Gamitin mo itong pagkakataon upang mas mapagyaman ang iyong sarili. kailngang magsimula ka ng tama. Dito nakasalalay ang tagumpaysa pagharap sa mga susunod pang yugto ng iyong buhay. ito rin ang makakatulong upang maging maligaya ka sa iyong pamumuhay.

1.b. Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito.

Isa kang obra ng Diyos. Biniyayaan ka ng talento at kakayahan na maari mong gamitin at paunlarin, hindi lamang ikaw kundi maging ang lipunan ang nawalan ng pagkakataon na makinabang. mawawala amg posibilidad na maibahagi mo ang kakayahan na maari sanang magkaroon na mahalagang  gamit para sa lahat. makiisa ka sa iyong pamilya at sa paaralan sa pagpapaunlad ng iyong talento at kakayaghan Isa ito sa mahahalagang bahagi sa pagnuo ng iyong sarili at sa iyong pag-unawa sa dahilan ng iyong pagkalalang.
(Halimbawa nito ay ang kuwento ni Jovit Baldovino. Dahil sa paggamit at pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pag-awit nakinabang dito ang kanyang sarili, ang kanyang pamilya, at ang kanyang pamayanan)

1.c makabuluhang Paggamit ng mga hilig.

may kasabihan sa Ingles na "Do what you love and you will love what you do". Ngunit hindi sapat na ginagawa mo anmg gusto mo, kailangan mong masiguro na ginagawa mo ito nang makabuluhan..


2. Ang Tungkulin Bilang Anak.

Hindi ka na nga bata. Paro hindi nangangahulugan ito na maari mo nang ihiwalay ang iyong sarili sa iyong pamilya. Nananatiling ang iyong pamilya ang may pinakamalaking impluwensya sa iyong buhay.. Mayrron ka nang sapt na edad upang makibahagi sa iyong pamilya at sa tahanan. Ang lahat ay nagsisimula sa maliit. Huwag mong pilitin ang iyong sariling gawin ang isang bagay na hindi mo pa naman talaga kaya. Hindi mo pa kayang magtrabaho upang kumita at makatulong sa kanila. mas mahalaga sa kanila na mag-aral ka upang makatapos. pero makakatulong ka pa rin sa pamamagitan ng pagiging maingat sa paggastos, pagpapanatiling malinis at maayos ang iyong sariling silid, makisangkot sa mga usapin sa bahay upang magkaroon ng kolektibong makabuo ng pagpapasya.

Mahalaga rin na maunawaan mo ang halaga ng pagbuo ng isang ugnayan sa iyong mga magulang. Tungkulin mong sila ay mahalin, igalang, at pagkakatiwalaan.



Ito ay kinuha sa pelikulang John Q. Kuwento ito ng isang amang handang ibigay ang kanyang puso para sa anak na may malubhang karamdaman at nangangailangan ng bagong puso para mabuhay. Ang video ay nagpapakita ng isang amang namamaalam sa anak at nagbibigay ng mga habiling dapat matutunan hindi lang ng anak niya ngunit maging tayo man. (If you have time I am highly recommending this film for you to watch.) 


3. Ang Tungkulin Bilang Kapatid.

Hindi naman siguro matatawag na normal ngunit mas malaking bahagdan ng mga kapatid sa tahanan ay dumarating sa yugto ng madalas na pagtatalo at pag-aaway. natural lamang na may mabubuong hindi magagandang damdamin sa pagitan ninyong magkakapatid. Ang kailangan lamang ay huwag itong hayaang magtagal at maipon hanggang sa lumaki. pagsikapan mong i-enjoy ang panahon na kasama sila. Ang mabuting pakikitungo sa iyong kapatid ay makakatulong upang matuto kang makitungo nang maayos sa iyong kapwa.



4. Ang Tungkulin Bilang mag-aaral.

Ikaw ngayon ay nasa high school na. nasa higit na malaking "mundo". Mas marami kang natutunan sa mga bagay na iyong ginagawa. Sa bawat gawain na iyong natatapos, karagadagang karanasan at aral na iyong maiipon. mas nadadagdagan ang kabuluhan ng iyong buhay.

Ang High school ang pinakadinamikong yugto sa iyong buhay. Dito masusubok ang iyong mga kakayahan. Dito nakadapende kung ano ang mararating sa hinaharap. Tumingin ka sa malayong hinaharap pero gawin mo ang lahat ng iyong makakaya ngayon. Gamiting bagay ang mga sumusunod.
              a. Mag-aral ng mabuti
              b. magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto
              c. Pataasin ang mga marka
              d. gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay
              e. Pagyamanin ang kakayahn sa pag-iisip
              f. matutong lutasin ang sariling mga suliranin
              g. makilahok sa mga gawain sa paaralan

5. Ang Tungkulin sa Aking Pamayanan

Ang isang kasapi ng pamayanan ay malugod na tumutugon sa kanyang  mga tungkulin para sa kapakanan nito. Bilang nagdadalaga/nagbibinata may tungkulin kang:
           a. Pangalagaan ang maayos na pamayanan.
           b. makinahagi sa gawain ng Pamayanan
           c. magkaroon ng pagkukusang maglingkod
           d. maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa pamayanan upang maiparating sa mga pinuno ng pamayanan
           e. maging tapat sa kinabibilangang pamayanan
           f. makibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kung kinakailangan
         g. Sumali sa mga samahang pangkabataan kung saan ilalaan ang sarili bilang maging mabuting tagasunod kung hindi man maging pinuno
           h. makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan at samahan sa kanilang mga proyekto.

Sa pamamagitan ng pagtugon sa mga tungkuling ito, mararamdaman mong ikaw ay kabahagi. At makatutulong ito upang iyong mas mapaangat ang iyong halaga bilang tao.

6. Ang Tungkulin Bilang Mananampalataya.

kasama ba sa pagsasabuhay ng iyong pananampalataya sa iyong mga gawain sa araw-araw? Ang panalangin ay paraan ng papuri sa Diyos. Ang panalangin ay papuri, pasasalamat, at pinakamahalaga ay ang pag-aalay sa Kanya ng lahat ng ating mga gawain. malalaman mo na ang lahat ng bagay na nasimulan sa panalangin ay magaganap na puno ng tiwala at kahusayan. ito ay dahil nasa ilalim ng paggabay ng Diyos ang gawaing inialay sa Kanya.

7. Ang Tungkulin Bilang Konsyumer ng Midya.

Maraming uso at maraming makabago sa modernong panahon ngayon. Nakokondisyon ang iyong isip na ang mga ito ay kailangan dahil sa husay ng presentasyon ng midya. (magandang halimbawa ang video na ito kung paano natin sinusunod ang dikta ng midya)


Labis ng nakaaalam (informed) ang mga tinedyer. Mahalagang gamitin ang mapanuring pag-iisip (critical thinking) sa paggamit ng mga ito. Ang critical thinking ay nagtuturo sa iyo kung paano mag-isip at hindi kung ano ang iisipin. ito ay patuloy na proseso na madalas na nagsisimula sa isang tanong. ito ay kakayahan natin na pag-aralan ang mga bagay at ang kanilang bunga bago magpasya o pumili. Hindi lahat ng nakikita sa midya ay totoo. Kaya mo bang gamitin ito nang may pananagutan?

Bilang isang tinedyer kailangang maging matalino sa pagtanggap ng mga impormasyong dulot ng media. kinakailangan ng kakayahan upang magsala ng mga impormasyong tatanggapin at paghihiwalay nito sa mga impormasyong hindi nararapat tanggapin at tangkilikin.






8. Mga Tungkulin sa kalikasan

malakas na ang panaghoy ng inang Kalikasan. Ang kailangan natin ay tumugon bago pa maging huli ang lahat. may magagawa ang bawat isa sa atin. Maari mong gawin ang mga sumusunod:

          a. Mahalagang ibahagi sa mga kasama sa tahanan ang mga kaalaman na natutunan sa paaralan. Hikayatin ang bawat kasapi ng pamilya na makibahagi sa pagtulong para iligtas ang kalikasan sa tuluyan nitong pagkasira.
         b. mahalagang ilapat sa buhay ang anumang natutuhan sa paaralan lalo na sa siyensya. Mas palawakin pa ang kaalaman ukol sa pagbababgo ng klima (climate change) sa epekto nito at mga solusyon sa lumalalang suliranin na bunga nito.
         c. Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa, at sa tubig. makibahagi sa proyekto ng pamayanan o kaya ay bumuo ng samahan ng mga kabataan na tutulong upang mabawasan ang mga suliranin sa maruming hangin at paligid.
        d. kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing pangkalikasan. mas makabubuti kung sa ganitong paraan uubusin ang panahon kasama ang mga kaibigan. Makakatulong na ito upang lalong mapatibay ang pagsasamahan, magdudulot pa ito ng kabutihan para sa kalikasan.

"Walang siniman ang nabubuhay para sa sarili lamang, Walang namamatay para sa sarili lamang, Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa. Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling niya." Mula ito sa isang awit, ipinapaunawa sa atin ng mga linyang ito ang kahalagahan ng pagtugon sa ating mga tungkulin bilang mga nilalang.

Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na pagpapakatao. ito ay dahil likas ito sa tao. Ang taong tumatalikod dito ay maaaring mahalintulad sa taong naglalakad ng walang uol. kaya habang maaga simulan mo ang tumugon sa itong mga pananagutan. lalo na sa pagtugon sa pinakamahalagang tungkulin: ang pagkamit ng kaganapang pansarili, hanapin ang kabanalan, upang makaalam, magmahal at maglingkod sa Diyos nang malaya.

Ang hamong ito ay hindi madali. ngunit dapat kang kumilos upang tugunan ito. mahalagang tuntungan ito ptungo sa susunod na yugto ng iyong buhay. At sa tagumpay mo sa mga susunod pang yugto ang pundasyon ng paghubog ng iyong pagkatao.

Sa hamon na ito sa yugtong ito, TUTUGON KA BA?



GAWAIN: 
1. Maglista ng limang (5) magagandang tunguhin, tungkulin at aral na napulot sa modyul o mga video na ibinigay.
2. Isulat ang sagot bilang comment sa post na ito.

















23 komento:

  1. Mga Tugon
    1. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

      Burahin
  2. salamat sa artikulo mo nakatulong ito sa assignment ko sa grade 7 esp

    TumugonBurahin
  3. ang ganda... ang ganda,.. nakatulong ito sa aking ass sa grade 7 esp.. salamat..

    TumugonBurahin
  4. salamat po, dahil meron na po kaming ire-report sa school namin

    TumugonBurahin
  5. salamat po, dahil meron na po kaming ire-report sa school namin

    TumugonBurahin
  6. salamat po, dahil meron na po kaming ire-report sa school namin

    TumugonBurahin
  7. salamat po, dahil meron na po kaming ire-report sa school namin

    TumugonBurahin
  8. salamat po, dahil meron na po kaming ire-report sa school namin

    TumugonBurahin
  9. salamat po, dahil meron na po kaming ire-report sa school namin

    TumugonBurahin
  10. salamat po, dahil meron na po kaming ire-report sa school namin

    TumugonBurahin
  11. salamat po, dahil meron na po kaming ire-report sa school namin

    TumugonBurahin
  12. salamat po, dahil meron na po kaming ire-report sa school namin

    TumugonBurahin
  13. salamat po, dahil meron na po kaming ire-report sa school namin

    TumugonBurahin
  14. Nag karoon ako ng magandang tungohin dahil sa blog mo.salamat ha! Sakit.info

    TumugonBurahin
  15. napakaganda po at malaking tulong po sa mga guro sa pagtuturo

    TumugonBurahin
  16. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    TumugonBurahin
  17. Thank you such a good ideas for my report💙😊

    TumugonBurahin