Biyernes, Hulyo 6, 2012

Multiple Intelligence" Pagtuklas ng mga Talento at Kakayahan

Isang napakahalagang teorya ang binuo ni dr. Howard Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple Intelligence. Ayon sa teopryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong talino” at hindi, “Gaano ka katalino?” ayon kay Gardner, bagama’t lahat ay may angking likas na kakayahan, iba’t-iba ang mga talino o 
talent. Ang mga ito ay:

                      1. Visual Spatial
                      2. Verbal/ Linguistic
                      3. Mathematical/Logical
                      4. Bodily/Kinesthetic
                      5. Musical or Rhythmic
                      6. Intrapersonal
                      7. Interpersonal
                      8. Existentialist
                      9. Naturalist




1. Visual or Spatial- Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at mag-ayos ng mga ideya. Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din niyang makita ang paglalarawan upang maunawaan ito. May kakayahang siyan na makita sa kaniyang isip ang mga bagay upang makalikha ng isang produkto o makatuklas ng isang produkto o makalutas ng suliranin. May kaugnayn din ang talinong ito sa kakayahn sa matematika. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: artists, designers, cartoonists, story-boarders, architects, photographers, sculptors, town-planners, visionaries, inventors, engineers, cosmetics and beauty consultants: 

Panuorin ang mga video sa ibaba para sa halimbawa ng mga gawain sa Visual or Spatial Intelligence.





2. Verbal/Linguistic- Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkuwento, at pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig, o nakikipagdebate. Mahusay siya sa pagpapaliwanang, pagtuturo, pagtatalumpati, o pagganyak sa pamamagitan ng pananalita. Madali para sa kanya ang matuto ng ibang wika. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: writers, lawyers, journalists, speakers, trainers, copy-writers, english teachers, poets, editors, linguists, translators, PR consultants, media consultants, TV and radio presenters, voice-over artistes

Panuorin ang mga video sa ibaba para sa halimbawa ng mga gawain sa Verbal/Linguisticl Intelligence.




3. Matematikal/ Logical- Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang pagkakatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong may kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess, computer programming at iba 
pang kaugnay na gawain. Gayunpaman, mas malapit ang 


kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract patterns, at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: 
scientists, engineers, computer experts, accountants, statisticians, researchers, analysts, traders, bankers bookmakers, insurance brokers, negotiators, deal-makers, trouble-shooters, directors


Panuorin ang mga video sa ibaba para sa halimbawa ng mga gawain sa Mathematical/Logical Intelligence.




4. Bodily/ Kinesthetic- Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad halimbawa ng pagsasayaw opaglalaro. Sa kabuun, mahusay siya sa pagbubuo at paggawa ng mga bagay gaya ng pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng mga taong may ganitong talino. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: dancers, demonstrators, actors, athletes, divers, sports-people, soldiers, fire-fighters, PTI's, performance artistes; ergonomists, osteopaths, fishermen, drivers, crafts-people; gardeners, chefs, acupuncturists, healers, adventurers

Panuorin ang mga video sa ibaba para sa halimbawa ng mga gawain sa Bodily/Kinesthetic Intelligence.










5. Musical/Rhythmic- Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karansan Halimabawa ng mga taong may ganitong talino ay:  musicians, singers, composers, DJ's, music producers, piano tuners, acoustic engineers, entertainers, party-planners, environment and noise advisors, voice coaches.






6. Intrapersonal-  Sa talinong ito natututo, ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kanyang nararamdaman at motibasyon. Malalimang pagkilala niya sa kanyang angking talent, kakayahan at kahinaan. At lahat ng tao na nasa proseso ng pagbabago ng pang-unawa sa sarili, sa paniniwala, at mga gawain na may kinalaman sa sarili, sa iba, at sa komunidad na kanyang ginagalawan. 








7. Interpersonal- Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong nabibilang dito ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motiobasyon, at disposisyon sa kapwa. Mahusay siya sa pakikipag-ugnayan nang may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba. Siya ay epektibo bilang pinuno o tagasunod. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: therapists, HR professionals, mediators, leaders, counsellors, politicians, eductors, sales-people, clergy, psychologists, teachers, doctors, healers, organisers, carers, advertising professionals, coaches and mentors; (there is clear association between this type of intelligence and what is now termed'Emotional Intelligence' or EQ)







8. Naturalist- ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: Botanist, farmer, environmentalists




9. Existentialist- ito ay talino sapagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “ Bakit ako nilikha?” “Saan ako nanggaling?” Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo?”. Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating gingalawan. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: Mga pilosopo, theorist, mga pari o pastor









 


29 (na) komento:

  1. dito natin malalaman ang ating mga talento at talino. masasagot natin ang mga katanungan sa ating sarili at dito din natin malalaman at masasagot ang lahat. mahahasa natin ang ating talino sa pamamagitan ng mga bagay na nakapaligid sa atin.



    Name: Joshua Kevin R. Villa
    Section: I-J

    TumugonBurahin
  2. salamat po nakakatulong ito dahil marami kang matutunan at pwede mo pa ibahagi sa iba slamat po tlaga

    TumugonBurahin
  3. Salamat po dahil into ang tutulong sakin para magaral ng mabuti

    TumugonBurahin
  4. Thankyou for this because if this site is nothing i cannot do my assignment0

    TumugonBurahin
  5. Thank you po sa effort niyo for making this site because i very need it for my assignment...thanks

    TumugonBurahin
  6. Thank you po sa effort niyo for making this site because i very need it for my assignment...thanks

    TumugonBurahin
  7. Pwede ko po ba mlaman ung referenceat mahiram for research namin? Thanks a lot

    TumugonBurahin
  8. Thanks for this po because of this wrote I have an report na thank you po 😊

    TumugonBurahin
  9. maraming salamat sa inyong makabuluhang impormasyong tungkol sa multiple intelligence

    TumugonBurahin
  10. Malaking tulong po sa aking aralin, salamat po

    TumugonBurahin
  11. Si marta mula ng maliit ay mahusay ng umawit tinuruan sya ng kanyang ama at sinusuportahan ito sa lahat ng kaniyang mga patimpalak

    TumugonBurahin
  12. Natutu si anabel sa pamamagitan ng pangingin at pagsasaayos ng mga ideya

    TumugonBurahin
  13. Thank you for these.....it helps me...I appreciate your work

    TumugonBurahin
  14. Pd po humingi ng 5 katanungan bwat intelligence po?

    TumugonBurahin
  15. Halimbawa Po ba Ng taong may multiple intelligence?

    TumugonBurahin